I noticed that my blog is becoming much of a drama anthology.
So before I post some of my "more entertaining" writings, here's a short "comic relief". It's posted on my friendster blog and I thought this might be a perfect "front-act" for my future posts.
(Disclaimer: I didn't write this my self. Too bad I couldn't remember where I copied it.)
=)
Just for laughs… enjoy!
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti
ngunit ginintuang butil ng payo na nakuha ko sa aking
mga magulang. Kaya heto, aking ise-share sa inyo ang
mga gintong alaala na pinadala sa akin ng aking
brod sa maynila:
1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO
APPRECIATE A JOB WELL DONE.
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon
kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang
ng bahay."
2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet,
magdasal ka na!"
3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."
4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang
magisa ang manonood ng sine."
5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang
ibig sahibin ng IRONY.
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng
iiyakan mo!"
6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang
CONTORTIONISM.
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo,
tignan mo!!!"
7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong
ibig sabihin ng STAMINA.
"Wag kang tatayo diyan hangga’t di mo natatapos
yang lahat ng pagkain mo!"
8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang
WEATHER.
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong
magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"
9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa
CIRCLE OF LIFE:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong
ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."
10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR
MODIFICATION.
"Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na
parang Nanay mo!"
11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig
sabihin ng GENETICS.
"Nagmana ka ngang talaga sa ama mong
walanghiya!"
12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung
anong ibig sabihin ng ENVY.
"Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba
kayo nagpapasalamat at mayroon kayong
magulang na tulad namin?"
13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng
ANTICIPATION.
"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating
tayo sa bahay!"
14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung
anong
ibig sabihin ng RECEIVING.
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"
15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano
ang HUMOR.
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan
mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa
akin at lulumpuhin kita!"
16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko
kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE.
"Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak
maging katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!"
Thursday, August 12, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment