Wednesday, April 21, 2010

Dalawampu't Tatlo

Para sa mga isdang nauubusan ng oxygen sa dagat dahil sa global warming...


Kasabay daw sa pagtanda ng tao ang pagiging marunong n'ya. Isa sa mga katanggap-tanggap na kaisipian ng anumang sibilisasyon na nagkakaroon ng dunong o "wisdom" ang tao habang nadadagdagan ang araw na inilalagi n'ya sa mundo. At dahil nadagdagan nanaman ang bilang sa edad ko, naisipan kong pagsama-samahin ang mga bagay na natutunan ko mula nang namulat ang isip ko sa katotohanang imposibleng maging miyembro ako ng Ghost Fighter.