Saturday, October 24, 2009

S.U.P.E.R. P.O.S.T.

Tulad ng hangin, nagbabago din ang ihip ng electric fan.
Ang init nanaman kasi kaya pati siguro yung binubugang hangin ng electric fan namin, parang galing sa hininga ng tao. Buti hindi amoy bulok na ngipin.



Galing ako sa isang family reunion/birthday ni lola/kodakan opportunity/salu-salong siraan ng diet. Nakakatuwa kasi nakita ko ulit yung mga pinsan kong hindi ko madalas nakikita at may nakita akong mga kamag-anak(?) na noon ko lang nakita. Maganda din yung venue, sa clubhouse ng condo unit ng tita ko. Maganda talaga yung lugar, oriental ang theme. Magmumukha kang mamahalin pag nagpa-kodak ka sa kahit saan dun. Parang Boy Abunda na naligaw sa isang sosyal na Singaporean community na naghahanda ng chicken pastel na lasang paper mache at fish fillet na gawa sa karton ng Fedex ang balat at gawa sa kalabaw ang isda. Buti nalang malamig ang sinerve na iced tea kahit isang baso lang. Gagamitin pa yata sa pandanggo sa ilaw yung baso pero ininom ko na agad yung laman bago pa man kunin ulit sakin nung isang waiter na nagpapa-cute sa table ng pinsan ko at mga kasama nyang kolehiyala. Dapat yata nagsuot din ako ng takong at mahabang panty para nabigyan ako ng mas madaming baso ng iced tea. Pero maganda talaga yung venue, wala akong mapipintas.


Pinag-uusapan narin lang ang reunion, noong mga nakaraang araw ay nagkaron din ako ng mini-reunion sa isang pakiramdam na hindi madalas bumibisita sakin. Mga twice a year lang at madalas pa, hindi s'ya nagtatagal sakin ng limang minuto. Nararamdaman mo din 'to pag nakikita mong may kasamang iba yung taong gusto mo, HHWW sa park at nagsusubuan ng mainit na fishball. Nararamdaman mo din ito sa mga kaibigan mo 'pag hindi ka n'ya inayang maglaro o manood ng sine at may kasama s'yang ibang mga kaibigan.
CLUE: Ang pakiramdam na ito ay hindi nag-uudyok sa isang tao na manusok ng stick ng fishball sa mata. Hmmm. Pero pwede din pala.
Sa sobrang bihirang nararamdaman ko yung pakiramdam na yun, iniisip ko na mas gusto nyang maglagi sa isip ng ibang tao. Minsan nagseselos nadin ako.


Magtatapos na ang unang century ng 2000, hindi mo ba napapansin na exage ang mga pangyayari ngayong taong ito? Parang gusto ni Bro na tumatak sa history ang pagtatapos ng unang century ng 2000. "It's a blast!", ika nga. Nagkaron ng album si Kris Aquino at Baby James. Bumagyo ng napakalakas na nagdagdag sa bilang ng ilog at sapa natin sa Pilipinas, karamihan pa nga eh lagpas bewang. Nagkaron ng movie si Aling Dionisia. Namimigay ng bahay ang mga pulitiko. At madaming nagiging sawi sa pag-ibig nang higit sa dalawang beses sa loob lang ng ilang buwan!


I indulge my self in depression, realize, accept, let go and move on.

Sabi ng mga taong nakakakilala sakin at nakita na akong mag-walk out dahil alam nilang hindi ko pinapakitang umiiyak ako sa public, pinaglihi daw ako kay Wolverine. Wala akong adamantium sa katawan at hindi ako nakakapatay sa pamamagitan ng mga bakal ko sa katawan pero mabilis ang healing process ko. Made-depressed lang ako ng ilang minuto pero 'pag naabsorb ko na ang realidad at natanggap ko na ang mga pangyayari at alam kong wala na akong magagawa, magiging ok na ako. Mas magiging mabilis pa kung meron akong nginunguyang nagaraya para naaalog ang utak ko sa pag nguya at nape-preoccupied ang utak ko sa lasa ng butter flavor ng nagaraya. Pa'no ko nagagawa 'yun? Hindi ako insensitive, bitter, superficial, o pretentious. I indulge my self in depression, realize, accept, let go and move on.


Nagkaron ka na ba ng superhero? Yung taong alam mong safe ka parati pag kasama o kausap mo s'ya. Meron syang lakas para alamin ang mga pinaka madilim na parte ng buhay mo at kaya kang ilipad sa ulap kapag alam nyang nakabaon ka sa lupa. Inaalam nya ang lahat ng tungkol sa'yo para alam nya kung pa'no ka nya ililigtas kung kailangan mo sya. Alam nya kung kailan ka masaya, wala sa mood, nagseselos, high, kinikilig, o kung kailan ka walang magawa kaya mo sya kinukulit. Hindi ka n'ya iiwan hangga't hindi nya nagagawa ang tungkulin n'ya para sayo. Madaming humihingi at nangangailangan ng tulong nya, pero sa huli ikaw lang talaga ang "super kid" nya. At higit sa lahat, superhero s'ya para sayo pero tinatanggal nya ang kapa nya pag kailangan mo ng normal na taong pwede mong sabihan ng corny mong jokes at pwede mong tanungin kung ano ang gamit nyang cologne.


Para sa malamig na hangin...
Para sa pamilya ko...
Para kina Milky at Bumbee...
Para sa mga nasalanta ng bagyo at baha...
Para kina Yaya at Ian...
Para kay Superman...

No comments: