Monday, November 17, 2008

De-layed

pagpasensyahan mo na, mambabasa, kung hindi ko muna susundin ang ilang batas ng pagsusulat. ito'y upang mahabol ng daliri ko ang utak kong kanina pa daldal ng daldal.

matagal-tagal narin nung huli akong nakapagsulat ng maayos. eto nga at ang kasunod, dito ko ko pa ginagawa sa isang lugar na hindi ito dapat gawin. totoo palang pag pinipilit mo ang sarili mong gumawa ng isang bagay na hindi mo naman gusto, o kahit gusto mong gawin pero tinatamad ka, hindi mo ito magagawa ng maayos. garbage in, garbage out.

sumusulat ako ngayon dahil pakiramdam ko maraming bagay na sa akin ngayon ang nangyayari ng wala sa oras, at least sa pananaw ko.

Sabi nila, kapag daw bumagyo, pagkatapos nun magiging "bright and shiny" ang lahat. sa natural na proseso ng pag-ulan, madalas pagkatapos nun maaliwalas ang paligid. masarap huminga kasi parang malinis ang hangin. saka masarap maglakad lakad kahit basa ang lupa. sa parehong literal at maretorikang pagpapaliwanag, pareho lang ang pupuntahan. magiging MAS maayos ang lahat pagkatapos ng bagyo.

Dinaanan ako ng bagyo. Pero pagkatapos, bumalik lang sa dati ang lahat.

hinihintay ko yung sinabi ni mariah na "after the rain, a rainbow appears... celestial and hopeful" pero hindi pa dumadating sakin yung rainbow na yun. baka ako yung dulo nun. care bear siguro ako.

siguro dala lang din ng mabilis kong pagrecover sa mga bagay-bagay na nagyayari sakin. masakit man o masaya. pero iniisip ko pa din na dapat magiging MAS maayos ang lahat.

kung iisipin, mas naging maayos naman ng konti ang lahat. kumbaga yung rainbow ko eh yung parang makikita lang sa tubig sa gripo pag natatapatan ng araw habang naglalaba. (ayoko naman talaga ng rainbow)

--- --- --- ---

gusto kong basahin yung librong "the secret" ni rhonda byrne. may nakapagsabi kasi sakin na meron daw sa librong yun na mga sikreto ng universe. bading daw yung ahas nung panahon nila eba at adan. pero sempre gawa-gawa ko lang yun kasi hindi ko pa naman nababasa yung libro.

hindi man ito yung eksaktong sinabi (daw) ng libro, pero ipapaliwanag ko narin ayon sa pagkakaintindi ko. gumagawa daw ng paraan ang universe para mangyari yung mga gusto nating mangyari. kung talagang iniisp mo parati yung bagay na yun, magaganap at magaganap talaga yun. wag mo na daw isipin kung kelan, saan, at paano mangyayari, basta mangyayari.

sabi ni mel, totoo daw yun. sakin, siguro totoo nga yun.

--- --- --- ---

mahirap pala yung pakiramdam na nakabitin ka, isang kamay lang ang sasalba sayo, at makati ang pisngi ng pwet mo. ganun ang pakiramdam ng iwan sa ere nang walang paliwanag. may mga ganung tao talaga siguro. aalis nang walang paalam. hindi naman sa naghahanap ako ng paliwanag. sa totoo lang hindi naman talaga ako nakikinig sa paliwanag. lalo na ng paliwanag ng mga politiko natin. sana man lang magsabi ng ayawan na. haaays.

--- --- --- ---

isisingit ko dito yung dalawa kong naka-save na draft. sayang naman kasi hindi ko na masundan yung dalawang yun kasi wala na akong maisip na interesanteng idagdag sa kanila. pero tutal wala rin namang laman tong sinusulat ko ngayon, idadagdag ko nalang. parang maggi magic sarap.

USAPANG KALSADA
Ako ang taong madaling maligaw.


Minsan nga naiisip ko, kung naging pusa lang ako, hindi mo na ako kailangan iligaw para hindi na ako makabalik sa bahay mo, ilabas mo lang ako ng pintuan at siguradong hindi na ako makakabalik. 'Eto din siguro ang dahilan kung bakit lumaki akong masunurin at hindi gala. Alam ko kasing 'pag lumayo ako ng konti sa vicinity ng Makati, eh malamang sa police station o sa radio station ako pulutin para magmakaawang iuwi na ako. hindi ko rin nga kabisado ang pasikot-sikot sa barangay namin kahit lagpas dalawampung taon na akong nakatira dun. Ewan ko ba. Kailangan ko kasing makapunta sa isang lugar ng mga tatlong beses bago ko makabisado ang pagpunta dito. Minsan nga nadadamay ko pa ang iba kong kaibigan dahil sa kabobohan ko sa direksyon. Pero masaya din minsan kasi minsan may nagtanong sakin kung saan yung Kalamasi St. sa barangay namin, may hinahanap yata s'yang bahay, wala akong natatandaang may Kalamansi St. sa amin kaya sabi ko nalang, "Ay, dun lang po yata sa likod ng school yun". Sana nasa mabuting kalagayan pa yung nagtanong sakin.


Napag-uusapan na rin lang ang direksyon at kalsada, naisip ko na marami palang naituturo ang mga "road signs" sa buhay natin. Hindi lang siguro natin napapansin pero hindi lang "superficial" ang silbi nila sa mundo. Gaya na lang ng "Dead End". Dati pag nakakakita ako ng ganitong sign eh ang naiimagine ko na agad eh yung putol na bangin saka mga tuyot na halaman sa gilid ng kalsada. Pero kung pag-iisipang mabuti, malaki ang maidudulot ng road sign na to lalung-lalo na sa dalawang taong nagkakamabutihan. Mabuti pa kasi ang "dead end" sign sinasabing kelangan mo nang huminto dahil wala ka nang aasahan pa at wala ka nang dapat ibang gawin kundi tumalikod at tumakbo sa kabilang direksyon.
--- ---

eto nung summer ko pa sinulat.

Random Thoughts #1:Summer Loves and Heartbreaks

I just want to clear the air before it becomes cloudy - I am not heartbroken in any way(at least when I'm writing this post), although I'm (preferably) looking for my "summer love". I was just inspired by an episode of SATC that I watched last night and I thought I could make it relevant now that most of us are becoming more and more idle which means having more and more time to think. These are just my random thoughts.

Anyways, so here it goes.

1) Not all of us believe that everything happens for a reason like if you weren't enrolled in a specific university you wouldn't have met this guy or girl. Like if you haven't gone to the mall you wouldn't have seen a friend whom you're missing for years. Or maybe if you haven't said a thing and just shut up, maybe she's still beside you right now and you wouldn't be with your friends in an exclusive outing. I think it's a bit unfair. For me, at least, because if my destiny depends on what I do and most of the time I'm doing nothing, what future awaits me? I'm such a lazzzzy boy.

2) I personally believe that we should not blame anyone or anything else with whatever happens to our lives but ourselves. We do what we do and we are fully accountable for every big or small consequences of our actions. My life, my boat, and I'm the sole captain. For example, one of the reasons that I remain single is that I don't want to be an ex-boyfriend. The only way that you will be an "ex-boyfriend" is when you become a "boyfriend". I will eventually break up with her so I'd rather skip the drama. Be like me if you want to send group messages on valentines and buy yourself a ring and be contented with a group date with your friends.

3) When you want to break up with someone, may it be a lover or a friend, how will you do it? This question.. (O DIBA BITIN TALAGA? KASI HINDI KO ALAM ANG SAGOT SA TANONG NA YAN. hehe)

--- --- --- --- ---

Siguro naman obvious na kung bakit ganyan ang title ng post ko ngayon. hehehe.

itutuloy...