Tuesday, September 29, 2009
Confusion over disappointment.
I got a call last night from a number that is not saved in my phonebook. I was sleeping so I needed to wake up , open my left eye and answer the call. Sun cell's signal is soooo bad in my room so apparently the person on the other line couldn't hear me saying "hello" back a couple of times in my bedroom voice.
And I could swear it's bumbee! It's bumbee's voice!
The signal wasn't generous enough so the call got cut. I don't know how it happened but neither of my phones had load so I couln't text bumbee to call again. Instinctively, I got up and borrowed my cousin's phone to call bumbee. I called the number bumbee used and someone answered. I asked why did he call, he answered "Nangangamusta lang." The background on the other end of the line is so noisy, I remember, so I said I need to sleep and I'll call him tomorrow. All the while I was thinking it was bumbee whom I talked to. I had no doubt.
I called bumbee earlier today and he said he didn't call me at all last night 'coz he was at ABS-CBN doing some volunteerism.
I could swear it was bumbee.
Hmmm.
Now I'm more confused than disappointed.
Monday, September 28, 2009
Pick up where we left off...
Life and properties, in many forms, were taken away
in exchange of tons of mud and murky water.
To Madel and to everyone who were affected in any way,
you have our prayers and support.
We're trying to give help in ways we can.
...
We, Filipinos,
As resilient as we are,
will pick up where we left off.
We will learn valuable lessons and move on.
We have prayed for unity and now we are given
the chance for our prayer to be answered.
Thursday, March 5, 2009
Liku-liko
(Madaming gulay, dinuguan, native na manok, maliliit na alimasag at isa pang ulam na hindi ko alam at wala na akong balak alamin pa kung anong hayop ang sinahog dun ang nakalipas...)
Nag-alarm ako ng 5:30 ng umaga pero dahil nasa probinsya ako at pinuyat ako ng mga mala-dragon na lamok, 6:30 na ako nagising. (Wala na ang bakas ng pagod sa byahe at mga pinamili kong peanut brittle sa Baguio pero ang mga bakas ng sakmal ng mga "super lamok" eh nasa balat ko parin hanggang ngayon). Nagalmusal ng isang tasang kape na nasobrahan ko sa gatas kaya nagmukhang natapunan lang ng kulay brown na tubig at dalawang pandesal, hinatid na kami papuntang bayan kasi dun kami sasakay ng bus papuntang Baguio. Tumugtog ang theme song Voltes V sa utak ko dahil sa excitement.
Kasama ko si Mel at si Gemma. Camera, cellphone, at pitaka lang ang dala ko kasi alam kong madami akong bibitbitin pababa. Sa bus palang excited na kaming tatlo. Unti-unting lumalamig ang hangin. Unti-unti ring tumataas ang dugo sa utak namin kasi patarik ng patarik ang nakikita naming bagin sa bintana. Kahit walang sounds si Manong driver ng bus eh hindi naman boring ang byahe. Alam kasi naming kung hindi yung mukha nung leyon ang makikita namin eh mukha ni San Pedro at mga nagkakantahang anghel ang sasalubong samin. Sabi nga ni Mel dapat daw ang mga sounds ni Manong sa bus nya eh yung mga kantang makakagising sa diwa ng mga manlalakbay gaya ng Can't Cry Hard Enough, What Matters Most, Hindi Kita Malilimutan, at ang version ni Regine ng I Will Be There. Dapat din daw gumawa na kami ng last will and testament namin para malinaw kung kanino mapupunta ang mga CD namin ng Westlife, Britney Spears, Christina Aguilera, Gregorian, at Salbakuta.
Tapos, tapos na. Hehehe. Hindi naman talaga ang pagpunta sa Baguio ang highlight nitong post ko na to. Gusto ko lang ikwento yung pakiramdam na anytime pwedeng tumagilid yung bus na sinasakyan mo habang lumiliko paakyat ng bundok habang may kasalubong na malaking truck na may dalang mga bato na pwedeng tumabon sayo na magiging dahilan ng hindi pagbubukas ng "bintana" ng kabaong mo dahil gross na makita ng mga kaibigan mo na mukhang binugbog ni Chris Brown ang bangkay mo. Eeeewe.
Highlight din pala sa Baguio ang pagbili ko ng 5 kilong litsing litsugas at ang muntik nang pagkadukot ng cellphone ni Gima. Astig nga yun kasi natakot yung mandurukot sa kanya kasi may hawak syang yantok. Ibinalik sa kanya ang cellphone nya harap-harapan. Dapat binibigyan ng Oscar's ang mga gaya nyang "honest pick-pocketer". Meron din palang mga masasamang-loob at mga taong malilikot ang kamay sa Baguio. Buti nalang binili ni Gima yung yantok na 'yun na ayon kay ateng tindera ay "para sa masasamang tao". Kaya dapat parati naming dala yun para pag may nakita kaming masamang tao, o kahit mukhang masamang tao lang, patay s'ya - "Masama kang tao!" **sabay tatlong kilong pukpok ng yantok na gawa yata sa hi-breed ng Narra at Kamagong**
Pinag-uusapan narin lang ang pagpuksa sa masasamang tao sa Pilipinas gamit ang Super Yantok, nabalitaan ko kanina lang na sumakabilang-buhay na pala si Francis Magalona.
(Sandaling katahimikan para sa kanyang kaluluwa...)
(Mamaya ka na kumanta ng kaleidoscope world!)
Nakakalungkot isipin na kahit anong laban mo at kahit sinlaki ng boobs ni Keana Reeves ang pag-asa mo, kung oras mo na, oras mo na talaga. Pero hindi rin matatawaran ang katapangan at lakas ng loob ni Francis M sa paglaban nya sa sakit na Leukemia. Saludo ako sa kanya dahil bukod sa nakagawa pa s'ya ng commercial ng malamig na kape, hindi n'ya pinakita na pinanghinaan s'ya ng loob. Salamat sa mga kantang minsang nakapukaw sa damdamin ng mga kababayan natin lalung-lalo na sa mga kabataang dating insecure sa ilong ni Tom Cruise. Kung hindi siguro dahil sa kantang 'yun eh karamihan na sa atin naging kamag-anak na ni Pinocchio na santo ng mga government officials natin ngayon.
Matagal-tagal narin mula nung huli akong nakagawa ng matinu-tinong sulatin. Parang nagsimula ulit ako sa pagsusulat. Naalala ko kasi yung pangarap ko dati na maging writer. Naisip ko na mas madalas na akong nagsasalita ngayon kesa sa pagsusulat kaya minabuti kong subukan ulit ngayon.
"Ang hindi makabangon may nakabaon."
Wala na akong dahilan para hindi makapagsulat. Ubos na ang mga palusot ko sa sarili ko. May isang mahalaga akong natutunan:
Hindi nakatulong sa pagbabalik ng kagustuhan kong magsulat ulit ang pagvavandal sa likod ng upuan ng bus papuntang Baguio. Mas effective siguro kung sa CR sa Guadalupe mall ko gagawin 'yun.
Monday, November 17, 2008
De-layed
matagal-tagal narin nung huli akong nakapagsulat ng maayos. eto nga at ang kasunod, dito ko ko pa ginagawa sa isang lugar na hindi ito dapat gawin. totoo palang pag pinipilit mo ang sarili mong gumawa ng isang bagay na hindi mo naman gusto, o kahit gusto mong gawin pero tinatamad ka, hindi mo ito magagawa ng maayos. garbage in, garbage out.
sumusulat ako ngayon dahil pakiramdam ko maraming bagay na sa akin ngayon ang nangyayari ng wala sa oras, at least sa pananaw ko.
Sabi nila, kapag daw bumagyo, pagkatapos nun magiging "bright and shiny" ang lahat. sa natural na proseso ng pag-ulan, madalas pagkatapos nun maaliwalas ang paligid. masarap huminga kasi parang malinis ang hangin. saka masarap maglakad lakad kahit basa ang lupa. sa parehong literal at maretorikang pagpapaliwanag, pareho lang ang pupuntahan. magiging MAS maayos ang lahat pagkatapos ng bagyo.
Dinaanan ako ng bagyo. Pero pagkatapos, bumalik lang sa dati ang lahat.
hinihintay ko yung sinabi ni mariah na "after the rain, a rainbow appears... celestial and hopeful" pero hindi pa dumadating sakin yung rainbow na yun. baka ako yung dulo nun. care bear siguro ako.
siguro dala lang din ng mabilis kong pagrecover sa mga bagay-bagay na nagyayari sakin. masakit man o masaya. pero iniisip ko pa din na dapat magiging MAS maayos ang lahat.
kung iisipin, mas naging maayos naman ng konti ang lahat. kumbaga yung rainbow ko eh yung parang makikita lang sa tubig sa gripo pag natatapatan ng araw habang naglalaba. (ayoko naman talaga ng rainbow)
--- --- --- ---
gusto kong basahin yung librong "the secret" ni rhonda byrne. may nakapagsabi kasi sakin na meron daw sa librong yun na mga sikreto ng universe. bading daw yung ahas nung panahon nila eba at adan. pero sempre gawa-gawa ko lang yun kasi hindi ko pa naman nababasa yung libro.
hindi man ito yung eksaktong sinabi (daw) ng libro, pero ipapaliwanag ko narin ayon sa pagkakaintindi ko. gumagawa daw ng paraan ang universe para mangyari yung mga gusto nating mangyari. kung talagang iniisp mo parati yung bagay na yun, magaganap at magaganap talaga yun. wag mo na daw isipin kung kelan, saan, at paano mangyayari, basta mangyayari.
sabi ni mel, totoo daw yun. sakin, siguro totoo nga yun.
--- --- --- ---
mahirap pala yung pakiramdam na nakabitin ka, isang kamay lang ang sasalba sayo, at makati ang pisngi ng pwet mo. ganun ang pakiramdam ng iwan sa ere nang walang paliwanag. may mga ganung tao talaga siguro. aalis nang walang paalam. hindi naman sa naghahanap ako ng paliwanag. sa totoo lang hindi naman talaga ako nakikinig sa paliwanag. lalo na ng paliwanag ng mga politiko natin. sana man lang magsabi ng ayawan na. haaays.
--- --- --- ---
isisingit ko dito yung dalawa kong naka-save na draft. sayang naman kasi hindi ko na masundan yung dalawang yun kasi wala na akong maisip na interesanteng idagdag sa kanila. pero tutal wala rin namang laman tong sinusulat ko ngayon, idadagdag ko nalang. parang maggi magic sarap.
USAPANG KALSADA
Random Thoughts #1:Summer Loves and Heartbreaks
I just want to clear the air before it becomes cloudy - I am not heartbroken in any way(at least when I'm writing this post), although I'm (preferably) looking for my "summer love". I was just inspired by an episode of SATC that I watched last night and I thought I could make it relevant now that most of us are becoming more and more idle which means having more and more time to think. These are just my random thoughts.
Anyways, so here it goes.
1) Not all of us believe that everything happens for a reason like if you weren't enrolled in a specific university you wouldn't have met this guy or girl. Like if you haven't gone to the mall you wouldn't have seen a friend whom you're missing for years. Or maybe if you haven't said a thing and just shut up, maybe she's still beside you right now and you wouldn't be with your friends in an exclusive outing. I think it's a bit unfair. For me, at least, because if my destiny depends on what I do and most of the time I'm doing nothing, what future awaits me? I'm such a lazzzzy boy.
2) I personally believe that we should not blame anyone or anything else with whatever happens to our lives but ourselves. We do what we do and we are fully accountable for every big or small consequences of our actions. My life, my boat, and I'm the sole captain. For example, one of the reasons that I remain single is that I don't want to be an ex-boyfriend. The only way that you will be an "ex-boyfriend" is when you become a "boyfriend". I will eventually break up with her so I'd rather skip the drama. Be like me if you want to send group messages on valentines and buy yourself a ring and be contented with a group date with your friends.
3) When you want to break up with someone, may it be a lover or a friend, how will you do it? This question.. (O DIBA BITIN TALAGA? KASI HINDI KO ALAM ANG SAGOT SA TANONG NA YAN. hehe)
--- --- --- --- ---
Siguro naman obvious na kung bakit ganyan ang title ng post ko ngayon. hehehe.
itutuloy...
Friday, October 10, 2008
unfinished business
that makes my mornings
and warms my skin,
i want to be a star
to give light
when you are tired,
when youwant to rest.
if you were the wind
that touches my face
and dries my sweat,
i want to the the air
to sustain a little life
when you just want to wander off,
when you just want to be free.
if you were the soil
that keeps me still
and standing tall,
i want to be a rock
i will keep the foundation
when you don't want to be stepped upon,
when you want to settle down.
if you were the river
that cools my tired feet
and flows to my sea,
i want to be the rain
to drop hopes
when your current is weak,
when you fall silent and heavy.
*epe
I couldn't help enough so I made you a poem.
Tuesday, September 23, 2008
Problema ng ballpeng walang tinta
Hindi ko nanaman alam kung bakit.
Suguro dahil wala akong maisulat.
Pero maingay ang isip ko, mas maingay pa sa ulan.
Pero wala akong maisulat.
Nakakainis.
Kailangan kong magsulat.
Kailangan ng isip ko.
Ayaw naman n'ya ako bigyan ng tamang mga salita
para makapagsulat nang maayos.
Kailangan kong magsulat.
Mahirap ang pakiramdam ng natatae
at nakaupo ka sa inidoro sa matagal na oras
pero hindi ka parin makatae.
Gusto kong magsulat.
Para sa sarili ko naman 'to eh.
Ginawa ko na 'to dati.
Pero bakit hindi ko magawa ngayon?
Gusto kong magsulat.
Wala na bang tinta ang ballpen ko?
Kailan ulit ako makakapagsulat?
Ano ba ang kailangan ko para makapagsulat ulit?
O sino?
Kailan?
Hindi lahat madadaan sa tsokolate.
Babalik ako.
At makakapagsulat uli.
Wednesday, August 27, 2008
Quasi-comeback
Ang totoo kasi, nagkaron ako ng sakit. Hindi ako makabuo o makatapos ng isang article. Hindi ko rin alam kung bakit pero sa tuwing uumpisahan kong magsulat ng isang interesanteng topic (assuming interesante talaga ang mga pinagsusulat ko dito) hindi ko matapos. Siguro meron na kong mga anim na drafts na naka-save dito sa blogspot drafts ko. Salamat sa autosaving capabilities ng blogspot at hindi ko parin matapos ang mga drafts na yun. Nagiintay lang ang mga salita dun na dumami sila.
Sa mga nakaraang linggo, marami-rami ring nangyari.
Nagkaron ako ng trabaho (dito ko nga to ginawa ngayon) pero hindi yun ang gusto kong isulat. Siguro mas magiging interesante ang mga bagay ba napapansin ko ngayong nagkaron na ako ng trabaho.
Una, hindi pala lahat ng nagtatrabaho may pera. Isa 'to sa mga unang-unang na-realize ko. kasi dati iniisip ko na 'pag may trabaho ka na, mabibili mo na yung mga gusto mong bilhin. HIndi rin pala. Natatandaan ko pa yung tinanong sakin ng teacher ko dati nung 2nd year highschool pa ako. Sabi nya, "Kung sumusweldo ka na ng one hundred thousand pesos sa isang buwan, dapat din bang mag-iba ang lifestyle mo at bumili ng mas mahal na mga gamit?". Sumagot ako ng "oo". naisip ko kasi nun kaya ka nga nagtatrabaho para makabili ng mga gusto mong bilhin (pansinin na umuulit na ang mga sinusulat ko at may posibilidad na hindi ko nanaman matapos ang "entry" na to). Hindi naging maganda ang reaksyon nya sa sagot kong yon. Sabi nya kasi kaya daw madaming hindi umaasenso dahil sa ganung pag-iisip. Siguro nga tama nun si Ma'am. Kasi ngayon, kung hindi ko pipilitin ang sarili kong magtipid, mapipilitan akong maglakad papunta at pabalik ng office namin (na hindi ko naman gagawin dahil sa madaming kadahilanan.) Tama din yung sinabi ni uncle ni Peter Parker sa kanya. Habang patuloy na nadagdagan ang mga arawna inilalagi mo sa mundo, mas madami kang dapat isipin. Eh ako pa naman yung taong masyado nang madaming iniisip na minsan sumasakit na ang gitna ng utak ko. Ang solusyon ko dito, mag-diet para masanay na konti lang ang kinakain.
Napapansin ko din na karamihan sa mga pumapasok ng opisina ng umaga ay mga bad-trip. Yung tipong hindi mo sila pwedeng tignan sa mata kasi magiging bloke ka ng asin. Hindi ko nararanasan yun kasi alas-dose ng tanghali ang pasok ko - oras na namamatay lahat ng germs sa anit ko kasi sobrang tirik ang araw. Siguro masama lang ang gising ng mga taong maaga gumigising pero umaga na din kung matulog. Yung iba may mga bitbit pang kapeng pangmayaman na sobrang tamis eh sugar rush ang dinuduot sakin pag iniinom ko, imbes na magising ako. Siguro yung iba hindi parin matanggap na pang-umaga sila. Hindi ko lang maisip kung bakit hindi nila matatanggap na pang-umaga sila. Ang solusyon ko dito, mag-shades para hindi nila pansin na sinisimangutan ko din sila.
May mga tao rin akong nakakasabay sa pagpasok na parang sarado at nakakandado ang mga pores sa balat. Dahil nga pang-tanghali ako (parang hindi natural sabihin yung "pang-tanghali") madalas pumapasok akong basa ang panyo ko sa pawis. Minsan naiisip ko kung nakatutok lang ba sa akin ang araw kaya ako lang ang pinagpapawisan. Hinahanapan ko din ng mga nakatagong aircon at electric fan yung mga taong sarado ang balat. Baka kasi uso na ang maglagay ng elesi sa damit. Sinisilip ko din ang balat ko minsan kasi baka napaglihi lang ako sa balon kaya ako lang ang parating basa sa pawis pag naiinitan. Ayoko pa naman nang pinagpapawisan. Lalo na pag may sipon ako. Hindi ko na kasi alam minsan kung anong uunahin kong punasan - pawis o sipon. kaya nga laking pasasalamat ko sa panahon ngayon kasi medyo makulimlim. Ang solusyon ko dito, wag masyado maggagagalaw para daw hindi mag-burn ng calorie at hindi pagpawisan. Magpasaranalang kaya ako ng balat? Ang mga buwaya ba pinagpapawisan?
Kape. Maraming hindi maniniwala pero 25cents lang pr cup ang kape dito sa pinapasukan ko at dahil dyan sinasamantala ko ang kape. Magsisimula na akong uminom ng kape ng ala-una ng tanghali, dalawang baso. Ang problema lang, pagdating ng 1:30, aantukin na ko. Iniisip ko tuloy kung may pampatulog yung kape dun sa vendo kaya mura. O baka hindi lang ako tinatablan ng kape. baka dapt sakin external application lang ang kape para tumalab. Yung tipong ipupunas ko sa balat ko habang mainit para magising ako. Pero hindi bagay sa amoy ng pabango ko ang amoy ng kape kaya wag nalang kasi baka mag-amoy galing sa tyan ng tao pa ako. Meron ding choco-mocha sa vendo namin 25cents lang din. Ang problema nga lang, madalas lasang tubig lang sya. Minsan hinanap ko kung may pagpipilian kung flavor mineral water o flavor chocolate yung mocha na yun eh. Sabi ni kuyang nagmemaintain nun, baka daw kasi nagbubuo buo yung powdered chocolate kaya hindi makalabas ng maayos. Pero pag matino naman ang nakuha mong mocha eh maayos naman ang lasa. Medyo matamis nga lang parang palamig. Hindi rin nakabubuti sakin ang masayadong madaming kape o mocha. Pag nakaka apat na tasa na ko ng kape, pakiramdam ko parating may mamamaalam na sa mga kakilala ko kasi parati akong nakakaramdam ng kaba. Yung tinatawag nilang "instinct" na may masamang nangyari na sa mga malalapit sayo. Parang may festival ng mga banda sa dibdib mo at puro bass ang gamit nilang tambol, gitara at torotot. Mahirap kasi hindi pwede sa katulad kong nakaupo lang ng siyam na oras ang ganun. Masama sa puso. Minsan iniisip ko na baka madalas lang magkape yung ibang manghuhula na parating kinakabahan na magugunaw na ang mundo.
Kung pipilitin kong pigain pa ng konti ang utak ko ngayon para may maidagdag pa sa pagbabalik-sulat nito baka latak nalang ang lumabas. Lasang lata na nga ng sardinas ang mga naisulat ko sa itaas ayoko nang lagyan pa ng bagoong.
Sa mga magtatanong kung bakit ganun ang title ng sinulat ko ngayon, gamitin nyo si google. Hehehe
Salamat sa pagbasa!
Monday, June 9, 2008
Ponder (revisited)
So here it goes...
I think I am asking an average of one-hundred questions a day. Thinking that I am not a philosopher makes me wonder how many questions a philosopher asks in his lifetime. I have written an article during my high school days and as I’m reading it today, it makes me wonder why I even bothered myself asking these questions. Pardon me, reader, for the immaturity of the text you are about to read.
Ready? Go!
Where do water vapors in clouds go when sunlight strike on them? Are there other humans in other galaxies? Are there other galaxies? Can you actually kiss your elbow? Do rainbows have ends? Which are faster, your eyes or your hands? If “demons” and bad spirits be locked in the bottom of the earth, considering its dimensions, is there enough space for the future spirits of bad people? Do fishes sleep? Does Einstein brush his hair? Why is the nine months we stayed in our mother’s womb not included in our age? Can you really step into your I.Q. if you have a low one? Which is sharper, our teeth or our asshole? Which is farther, the moon or Europe? Can you sneeze with your eyes open? Can you still remember what your dream is last night? If train A travels 80kph from Davao to Manila and train B travels 50kph from Manila to Davao, which train is farther to Manila when they meet? Can a man living in Germany be buried in North Korea? What is the probable number of male chicks inside their eggs can a roaster lay if there were nine eggs that he laid? Which existed first, the egg or the chicken? Why do people automatically crumple papers when throwing it in garbage cans? Why does “Greenwich” had a letter “w” when it is not pronounced? Why do girls have to ask if their faces are white when putting on face powder if they intentionally put face powder to actually whiten their faces? In playing cards’ deck, why is the King of Hearts the only king without moustache? Why do you have to scratch on something that is itchy? Why does Monalisa lacks eyebrows? Do hydrophobias take a bath? Why do we practically scream when we are scared or surprised? Why is it that hens don’t make “tilaok” when roasters do? What is the english term for the word “pasma”? is there anybody at your back right now? Have you checked if somebody texted you for the past 5 minutes? Why do w say “hello” when answering the phone? Why can’t we step on our own shadows? Do you think that somebody is being asked by these questions at this very same moment as you do?
Eeeeenggk! Time’s up!
When my adviser read this article she replied, “Have you found all the answers to these?”. And that’s the thing about wondering, I personally indulge myself knowing that there are some things I don’t know. My ignorance amuses me.
Sunday, April 27, 2008
Against the Heat
I experienced it many times since I'm not really a fan of "high temperatures" (ironically, I celebrate my birthday when summer is at it's peak). It's not so cool when I'm sweating even before I wake up (which makes me get up even before the time I plan to) and I'm sweating after I shower at night before I sleep (which gives me sleep problems). If you happen to have an air conditioning unit in the comfort of your home, believe me brother, you're so blessed. Luckily there have been some clouds precipitation for some time this week and the temperature's colling down a bit.
While I was doing my one on one session with my electric fan and watching TV, I thought of the things that can effectively alleviate the heat of the summer. Here are some of my ideas:
1) ICE CANDY. This should be my favorite for this is the most available tool against the heat. It can be bought at the nearest sari-sari store plus it offers different flavors like melon, chocolate, grapes, buko, etc. Price ranging from P2.00 to p3.00 depending on the mood of the tindera or the rate of demand (see? economics).
2) COLD PONKAN JUICE OR ICED TEA. Our intake of fluids prevents dehydration and gives us the benefit of visiting the "john" more often. I have been buying litro pack juices more often now especially when I feel like water is just not enough. I prefer ponkan over orange juice because it's sweeter and it doesn't leave me with that nasty feeling like I have a cob-web on my tongue. Iced tea is irresistible - refreshing and tasty. Suggested retail price is P10.00 but there's a store where they sell litro pack ponkan juice for P12.00. There's no difference on how it tastes so you just have to beware of those stores.
3) FLAVORED ICE. I have learned about this from a segment of a morning show. Flavored ice is just like the ice candy, the only difference is that you put these flavored ice cubes on your cold ponkan juice or iced tea. Flavored ice doesn't compromise the flavor or the concentration of your juice not like the conventional ice cubes. If i happen to freeze some of these flavored ice, it'll be gone even before I put them on my juice. I love ice.
4) TWIN POPSIES. Who can forget this classic? Orange or choco, this popsicles are just too good to be ignored. Avail them at your nearest ice cream stores.
There's a lot more on my list but I only crave about them while I'm writing this post so I better grab an ice candy now. Next time I'll share some of my favorite summer hang-outs.
=)
First Post: Let Me Explain
I know about blogs since we made a marketing plan about blogging with my classmates for our marketing subject. I know what it takes to be a blogger and I know how much greens it generates for people who uses blogs as their business. But since i still have nothing to so for the moment, I thought of making my own blogsite (Thanks to Miko and his blogspot).
About my title: Weird Guy's Eggshell Adventures and Daily Side Effects.
You might want to discover yourself why i chose this phrase as my title. believe me, you don't want to hear it from me. Know me a bit and you'll figure it out.
So there. See you around.
=)